Sinilaw
ng kadiliman
Ang
liwanag ng kahapon
Wari’y
pasulong ang lakad
Na
may bitbit na pangamba.
Pag-antanda
sa Maykapal
Ang
galit na 'di mabura.
Paglisan
mulang Sariaya
Ang
siyang kailangan n'ya.
Pagluwas
sa Quezon City
Seminaryo
ang tahanan.
Walong
taon ang nagdaan:
May
kumakatok pa kaya?
Pagkagalit
at himutok
Sa
aking mahal na ama.
Mula’t
sapol mali ako.
Mula’t
sapol tama siya.
Gaya
noong nakaraan
Ninanais
ko ang bumalik:
Hilutin
ang ulo niya
Yakapin
pa nang mahigpit.
Sinilawan
ng liwanag
Ang
kadiliman ng ngayon.
Wari’y
pabalik ang lakad
Na
pasan ang pangalan mo.
Kabilang sa Kalipunan ng Tula na
Ang Habito at Iba Pang Tula sa Talinghaga ng Mantsa ng
Teologia
No comments:
Post a Comment