Patda
ang bahaghari pagkatapos ng ulan
at
ang alon ng dagat ng Guisguis ay waring walang katapusang
kalinga
ng aking mga magulang. Ang kanilang pag-ibig
ay
ganoon na lamang: tila orisonte sa pagitan ng dagat at langit.
Umalis
ako ng Sariaya, Quezon, ngunit hindi ko sinalo
ang
bendisyon. Naghintay sila upang maging Fransiskano ako
ngunit
nawaglit ang pangako ko sa kanila. Hindi natupad
gaya
ng pangako ko sa altar ng panginoon at simbahan.
Pagluha
sa harap nila ang sambit ko ng Patawad
At
pagyakap nila ang gawa sa salitang Mahal kita.
Katulad
ng dati, pagsuot ko ng habito at paghawak sa krus
ng
Our lady of the Angels Seminary, tinanggap nila ako
nang
may ngiti sa labi. Ngunit, iba ang pananggalang sa kabuuan
ng
balat ng panganay nilang anak: tatu ng mga talinghaga
ng mantsa
sa teologia para sa Nanay ko, sa Tatay ko, sa Kanya...
Sana,
tanggap nila ang sigwa sa dagat, bago ang bahaghari.
Kabilang sa Kalipunan ng Tula na
Ang Habito at Iba Pang Tula sa Talinghaga ng Mantsa ng Teologia
No comments:
Post a Comment